Home NATIONWIDE Mga motorista pinaiiwas sa Recto-Legarda sa kilos protesta ng mga tsuper

Mga motorista pinaiiwas sa Recto-Legarda sa kilos protesta ng mga tsuper

5
0
Nagdaos ng tatlong araw na transport strike ang mga miyembro ng transport group na Samahang Manibela, Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon na nagsimula ngayong Lunes, Oktubre 13.Panawagan nila sa kanilang kilos-protesta ang pagpapatigil sa jeepney phase out at consolidation. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga motorista na iwasan muna ang bahagi ng kahabaan ng Recto at Legarda upang hindi maabala sa dulot na pagsisikap ng daloy ng trapiko.

Ito ay kasabay ng isinasagawang kilos-protesta ng grupong Piston at Manibela kung saan ngayong Miyerkules, Setyembre 30, ang ikatlo at huling araw ng kanilang pagkilos.

Nagsimula ang tatlong araw na transport strike noong Setyembre 28.

Bago tumulak sa Mendiola, nagtipon tipon ang grupo ng Piston sa Welcome Rotonda.

Panawagan ng grupo sa gobyerno na tugunan ang kanilang alalahanin at silipin ang kasalukuyang batas at polisiya kabilang ang Oil Deregulation law at excise tax sa langis.

Patuloy naman minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak na maging maayos ang daloy ng trapiko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here