Home NATIONWIDE Sagip-Trabaho inilunsad ng DOLE para sa SMEs

Sagip-Trabaho inilunsad ng DOLE para sa SMEs

1
0

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang mga lokal na negosyo na nahaharap sa pagtaas ng sahod, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamumuno ni Secretary Francis N. Tolentino, ang programang Sagip-Trabaho — na layong maghatid ng tulong at mahahalagang suporta sa mga kwalipikadong small and medium enterprises (SMEs).

Ang programang Sagip-Trabaho na isinama sa 2026 TUPAD Program Development Plan, ay naglalayong mapanatili ang trabaho at maiwasan ang pagsasara ng mga negosyo.

Bukod sa micro-enterprises, maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong SME na nahihirapang makasabay sa taas-sahod, na may limitasyong hanggang 35 rehistradong manggagawa bawat employer.

Makakatanggap ang mga kalahok ng direktang wage subsidy para sa mga kwalipikadong empleyado sa loob ng hanggang 90 araw, na sasaklaw sa eksaktong halaga ng itinakdang dagdag-sahod — gaya ng P60 na pagtaas sa Metro Manila.

Kailangan ding panatilihin ng mga employer ang mga benepisyo tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, at ECC, habang tinitiyak ang katatagan ng trabaho at buong pagsunod sa labor laws.

Ang proseso ng aplikasyon ay nangangailangan sa mga kwalipikadong SME na kumpletuhin ang tatlong hakbang: magsumite ng patunay ng lehitimong negosyo sa pamamagitan ng DOLE-formatted Job Preservation and Business Continuity Plan (JPBCP); lumagda sa kasunduan kasama ang DOLE at kanilang mga manggagawa; at isumite ang kumpletong requirements sa lokal na DOLE Regional o Field Office para sa assessment.

Sa pagpapatupad ng Sagip-Trabaho initiative, nananatiling matatag ang pangako ng DOLE na maghatid ng tulong, ginhawa, at estratehikong suporta sa mga negosyo at establisyimento sa buong bansa na nahaharap sa paghihirap.Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here