MANILA, Philippines – Apektado ng trough ng Tropical Storm Choi-Wan ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Huwebes, Oktubre 1.
Ayon sa PAGASA, ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Oriental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil dito.
Ang Northern Mindanao at nalalabing bahagi ng Davao Region ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa trough ng TC Choi-Wan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC