Home HOME BANNER STORY Pagtuturo isang bokasyon, hindi trabaho- PBBM

Pagtuturo isang bokasyon, hindi trabaho- PBBM

4
0

MANILA, Philippines – “Teaching is not a job. Teaching is a vocation.”

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinan Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa isinagawang Teacher Education Council (TEC) Celebrating Teacher Excellence: A National Teacher’s Month 2026 Celebration sa Manila Hotel.

Winika ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga guro sa pagsusulong ng kalidad ng edukasyon at paghahanda sa mga kabataang Pilipino para sa hinaharap.

“And the least that we in government can do is to support you in that vocation; to make you more professional; to make you more knowledgeable; to keep you learning as well about the new techniques, the new ways and the new strategies in which we can teach our children,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na tungkulin ng pamahalaan na tiyaking may sapat na suporta, pagsasanay, at oportunidad ang mga guro upang patuloy na umunlad sa kanilang bokasyon.

Sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month 2026, kinilala ang mga natatanging guro sa kauna-unahang TEC Teachers Awards at ang mga iskolar sa teacher education.

Patuloy ding isinusulong ang Teacher Education Roadmap 2035, Teacher Education Centers of Excellence, scholarship programs, at MyTEC upang palakasin ang teacher preparation at professional development.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa gitna ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya at artificial intelligence, nananatiling mahalaga ang mga guro sa paggabay sa mga mag-aaral na maging mapanuri, marunong kumilatis sa tama at mahalaga, responsable sa kanilang mga desisyon, at may malasakit sa kapwa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here