Home NATIONWIDE 120 suspek sa POGO-like love scam operation arestado ng NBI

120 suspek sa POGO-like love scam operation arestado ng NBI

4
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 120 suspek sa Makati City sa umano’y love scam operation na may kahalintulad sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Nilusob ng mga awtoridad ang opisina sa Makati noong Sabado at naabutan ang mga suspek na nakaharap sa kanilang mga computer.

Karamihan sa mga naaresto ay mga Chinese national.

Sinabi ng NBI na ang operasyon ay kapareho ng sa POGO, kung saan ang mga scammer ay nagpapanggap bilang romantic partners para akitin ang mga biktima sa online relationships bago humingi ng pera.

Narekober naman ng Special Action Unit team ng ahensya ang mga screenshot na nagpapakita na ang grupo ay nag-aalok ng dating service na may iba’t ibang lebel ng access.

Mayroon ding larawan ng mga babae na iniaalok sa mga date sa mga biktima.

Narekober din ng mga awtoridad ang private message sa pagitan ng scammer at kanilang mga biktima, maging ang sexually explicit videos at mga larawan na ginagamit sa modus.

“Well, the same operation, same lahat, may mga script ganyan—may mga binibiktima, halo-halo na yung mga binibiktima nila, foreigners and Filipino alike,” sinabi ni NBI Director Melvin Matibag.

Mayroong mga report na ang mga dating empleyado ng POGO o mga operator ay lumipat sa cyberscamming at iba pang uri ng fraud kasunod ng ban ng pamahalaan sa offshore gaming.

Iniimbestigahan ng NBI kung ang mga foreign scam syndicates ay bumalik sa Pilipinas para magsagawa ng operasyong ito.

“We’ve been receiving reports from our law enforcement counterparts abroad, medyo naghihigpit doon kaya parang bumabalik dito, so we’re also in full foresight now. Binabantayan namin yung mga ganyang bagay,” sinabi ni Matibag.

Hinimok naman ng NBI ang publiko na manatiling alerto laban sa love scam at iba pang kaparehong modus. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here