MANILA, Philippines – Sinuspinde ang on-site classes sa Mapúa Malayan Colleges Laguna ngayong Huwebes, Oktubre 1 bilang pag-iingat sa iniulat na security concern.
Sa abiso, sinabi ng paaralan na ang mga estudyante na nakatakda sanang pumasok ngayong araw sa campus ay lilipat sa synchronous online learning.
“School administration is working closely with local law enforcement and emergency personnel, who are currently conducting a thorough investigation,” ayon sa Mapúa Malayan Colleges Laguna.
Wala nang iba pang detalyeng ibinigay ang paaralan. RNT/JGC