Home NATIONWIDE Extradition vs Quiboloy, malapit nang isampa – DOJ

Extradition vs Quiboloy, malapit nang isampa – DOJ

5
0

MANILA, Philippines – Malapit nang isampa ng Department of Justice (DOJ) ang petisyon para ipa-extradite sa Estados Unidos si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Kinumpirma ito ni Justice Secretary Fredderick Vida nitong Huwebes sa isang press briefing.

“Quiboloy, we’re in the final stages already. Nag-legal scrubbing na lang kami. We’re almost ready to file that petition,” ani Vida.

Ayon kay Vida, isasampa ang petisyon sa isang local trial court.

Noong Agosto, hiniling ng US government sa Pilipinas ang extradition ni Quiboloy kaugnay ng mga kasong sex trafficking at racketeering sa Amerika.

Tiwala naman si Chief State Counsel Dennis Chan na maaaring pagbigyan ang petisyon basta matugunan ang mga rekisito sa ilalim ng extradition treaty ng dalawang bansa.

Nahaharap din si Quiboloy sa non-bailable na kasong qualified human trafficking sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act sa Pasig court, gayundin sa iba pang kaso kaugnay ng umano’y pang-aabuso sa mga bata.

Nanatili siyang nakakulong sa Pasig City Jail matapos maaresto noong Agosto 2024 at nag-plead ng not guilty sa mga kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here