MANILA, Philippines – Ikinasa na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes, ang Kaagapay Program ng Department of Education (DepEd) sa Patul Elementary School, sabay sabing prayoridad ng administrasyon ang kalusugan ng mga kabataan sa pamamagitan ng feeding programs, bukod sa iba pang serbisyo para sa pampublikong eskuwelahan.
Ininspeksyon ang Home-Grown School Feeding (HGSF) modality sa ilalim ng School-Based Feeding Program (SBFP) kasama si Education Secretary Sonny Angara, sinabi ni Pangulong Marcos na ipo-promote nito ang kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng health initiatives.
Ang HGSF, naka-angkla sa Republic Act No. 11037 (ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act), nagbibigay ng hot meals na kabilang sa 30% ng standard Recommended Energy and Nutrient Intake (RENI) ng gobyerno.
Ang mga sangkap na ginagamit sa feeding program ay mula sa mga magsasaka sa komunidad.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang School Parent-Teacher Association (SPTA) sa Santiago City para sa pagsisikap nito na palakasin ang ‘school safety’ at i-promote ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang Santiago City ay mayroong 41 public schools, na may 5,000 estudyante sa elementarya at haiskul.
Sinabi ni Jimmy Vic Elardo, SPTA federation president sa Santiago City na: “The feeding program is being done as we have many malnourished children. We have supporters and stakeholders ready to support our feeding programs in the schools.” (KRIS JOSE)