Home NATIONWIDE Flag-raising ng China sa Bajo de Masinloc, mariing tinutulan ng PCG

Flag-raising ng China sa Bajo de Masinloc, mariing tinutulan ng PCG

1
0

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang flag-raising ceremony ng China Coast Guard (CCG) malapit sa Bajo de Masinloc nitong Biyernes bilang bahagi ng National Day ng China.

Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, isinagawa ito ng CCG sa katubigan malapit sa Huangyan Dao, ang tawag ng China sa Bajo de Masinloc, bilang umano’y pagpapakita ng “maritime sovereignty ng China.”

Tinawag naman ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Rear Adm. Jay Tarriela na mapanlinlang ang naturang paglalarawan at iginiit na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc, na kilala rin bilang Scarborough Shoal.

Nananatiling pangunahing flashpoint sa West Philippine Sea ang Bajo de Masinloc mula noong 2012 standoff ng Pilipinas at China.

Sa ilalim ng Philippine Maritime Zones Act at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), may territorial sea na hanggang 12 nautical miles at contiguous zone na hanggang 24 nautical miles ang Bajo de Masinloc.

Noong Hulyo 2026, idineposito ng Pilipinas sa United Nations ang opisyal na nautical chart ng Bajo de Masinloc at mga nakapaligid na maritime zones nito.

“Ang katubigang lagpas dito ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas,” ani Tarriela.

Pinagtibay rin ng 2016 South China Sea Arbitral Award ang tradisyunal na karapatan sa pangingisda ng mga Pilipino sa Bajo de Masinloc at sinabi nitong hindi naaayon sa naturang mga karapatan ang pagpigil ng China sa pangingisda ng mga Pilipino roon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here