Home METRO 13 wanted foreign nat’ls nadakip sa Central Luzon

13 wanted foreign nat’ls nadakip sa Central Luzon

4
0

PAMPANGA, Philippines – Inulat ng mga awtoridad na umabot sa labintatlong Wanted na Foreign Nationals ang nadakip sa serye ng manhunt operation ng pulisya mula February 24 Hanggang September 28, 2026 sa iba’t-ibang lugar sa Gitnang Luzon.

Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Naaresto ang mga wanted na banyaga na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng krimen sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte, kung saan Nasakote ang mga ito sa Angeles City, Bulacan, Olongapo City, Zambales, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.

Ang mga wanted na foreign nationals ay pawang mga nahaharap sa mga kaso ng krimen tulad ng Rape, Frustrated Homicide, Qualified Theft, R.A.9262 o VAWC Law, BP 22, RA 11930, Physical Injuries at Unjust Vexation.

Nasa kustodiya na nang mga awtoridad ang mga naarestong banyaga para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here