Home ENTERTAINMENT Sa kabila ng panggigipit, biopic ni Rene, itutuloy ni Robin!

Sa kabila ng panggigipit, biopic ni Rene, itutuloy ni Robin!

4
0

Manila, Philippines – All set na si BB Gandanghari bilang direktor ng biopic ng namayapang basketbolistang si Rene Baterbonia.

No less than BB’s brother Sen. Robin Padilla ang naghayag na wala nang atrasan ang filming nito sa kabila ng nararanasang “panggigipit.”

Nag-post sa Facebook ang aktor-pulitiko ng mga litrato nila ni BB habang nagmi-meeting over the project.

“Assalamu Alaikum,” bungad ni Robin.

Nangako siya na kahit may problema sa aspetong pinansyal, “Hindi po tayo bumibitaw sa paglalahad sa pamamagitan ng pelikula ang buhay ni Rene Baterbonia.”

Handa na daw maging ang mga film makers ng Mindanao.

Samantala, hati ang mga reaksyon sa usapin ng pagiging direktor ni BB ng biopic.

lilan lang kasi ang tila natuwa sa bagong career direction ni BB.

Mas marami pa rin ang duda sa kakayahan nito na mailahad ang kuwento through film ng pumanaw na Ateneo Blue Eagles player.

Prove them wrong, BB! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here