Home NATIONWIDE 91 baril ni Sen. Bato, ‘di pa naibabalik sa PNP

91 baril ni Sen. Bato, ‘di pa naibabalik sa PNP

2
0

MANILA, Philippines – Hindi pa naibabalik sa Philippine National Police (PNP) ang 91 sa 117 baril na nakarehistro sa pangalan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa matapos bawiin ang kanyang mga lisensya at rehistrasyon ng mga baril.

Ayon kay Police Maj. Gen. Aden Lagradante, direktor ng PNP Civil Security Group (CSG), 26 pa lamang sa 117 baril ang na-turn over sa pulisya.

“From 117, 26 ‘yung na-turn in nila so we still have 91. Continuous ’yung ating coordination doon sa legal officer niya,” ani Lagradante.

May Type 5 Gun License si Dela Rosa, na dating nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng mahigit 15 baril bago ito bawiin.

Inisyu noong Mayo ang kautusan sa pagbawi ng kanyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at rehistrasyon ng 117 baril, kaugnay ng standing arrest warrant laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC) para sa mga kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa drug war.

Ayon sa PNP, patuloy ang koordinasyon nito sa legal officer ni Dela Rosa para matukoy at maisuko ang natitirang mga baril. Sinabi rin ni Lagradante na humihiling ng reconsideration ang kampo ng senador sa Firearms and Explosives Office (FEO).

“By our rules, dapat ma-surrender. But ang last na information, on the process of accounting doon sa mga remaining firearms,” ani Lagradante.

Sinabi ni Lagradante na hindi pa niya makumpirma kung maaari nang kasuhan ng illegal possession of firearms si Dela Rosa dahil administratibo pa ang proseso ng pagbawi sa kanyang lisensya.

Nauna nang kinuwestiyon ng abogado ni Dela Rosa na si Israelito Torreon ang batayan ng PNP sa pagbawi ng lisensya at sinabing maghahain sila ng motion for reconsideration sa FEO. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here