MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ng P1.30 kada litro ang diesel habang tataas ng P1.93 kada litro ang gasolina sa Martes, Oktubre 6, ayon sa Department of Energy (DOE).
Samantala, posibleng tumaas ng P3.30 kada litro ang presyo ng kerosene.
Ayon sa DOE, nananatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.
Inaasahan ding tataas ang presyo ng cooking gas ng P17.33 kada kilo, katumbas ng P190.63 dagdag sa regular na tangke. RNT/MDS