Home NATIONWIDE Final verdict ni VP Sara sa Dec 16, ibinasura ni Escudero: ‘Di...

Final verdict ni VP Sara sa Dec 16, ibinasura ni Escudero: ‘Di ganap na tama’

1
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero nitong Lunes na “hindi ganap na tama” ang pahayag ng tagapagsalita ng korte na posibleng makapaglabas na ng hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago mag-December 16, 2026.

Naunang sinabi noong Biyernes ni Senate impeachment court spokesperson Reginald Tongol na maaaring umabot sa Dec. 16 ang paglabas ng hatol.

Pero, ibinasura ito ni Escudero sa pagsasabing “based on math, not based on the realities on the ground of the trial.”

“Is not entirely accurate” at “may be a working mathematical equation” lang ang tinuran ni Tongol, pero hindi ito posisyon ng korte. “The court will instruct the spokesperson accordingly,” dagdag ni Escudero.

Ginawa ni Escudero ang paglilinaw matapos kuwestiyunin ni Senator-judge Raffy Tulfo ang presiding officer hinggil sa pahayag tagapagsalita sa posibleng petsa ng hatol.

Sabi ni Tulfo, nabigla ang marami niyang kapwa senator-judge sa pahayag ni Tongol.

Noong Sabado, sinabi rin ni Senator-judge Francis Pangilinan na hindi niya sinasang-ayunan ang sinabi ng spokesperson.

“Tongol has no authority to issue his personal opinions on the court’s behalf,” ayon kay Pangilinan.

Binigyang-diin ni Tulfo na “it’s about time” na bigyan na ng babala ang tagapagsalita dahil sa paulit-ulit na pagkakamali.

Aniya, para itong “preempted” na ang mga senator-judge sa pahayag ni Tongol noong nakaraang linggo.

Tugon naman ni Escudero, kanyang “i-a advisement” ang mungkahi ni Tulfo at tiniyak na “shall act accordingly based on the senator-judge’s manifestation” ang korte.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here