Home METRO 6 sundalo, sugatan sa ambush sa Basilan

6 sundalo, sugatan sa ambush sa Basilan

3
0

BASILAN, Philippines – Anim na sundalo ang nasugatan matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki ang convoy ng militar na binubuo ng dalawang sasakyan nitong Lunes ng umaga.

Batay sa paunang ulat, patungo ang mga sundalo mula sa 45th Infantry Battalion sa headquarters ng 1101st Infantry “Gagandilan” Brigade sa Barangay Tabiawan, Isabela City nang pagbabarilin sila habang dumaraan sa bahagi ng Barangay Badja, Tipo-Tipo.

Agad dinala sa isang ospital sa Lamitan City ang anim na sugatang sundalo para sa paunang lunas at karagdagang gamutan.

Ayon kay Brig. Gen. Frederick Sales, commander ng 1101st Infantry Brigade ng Philippine Army, isinakay ang mga sugatang sundalo sa Black Hawk helicopter para dalhin sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City dakong alas-9 ng umaga para sa karagdagang medical treatment. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here