Home NATIONWIDE P9M bank transaction ni VP Sara sa 2011, 2013 kinumpirma ng AMLC

P9M bank transaction ni VP Sara sa 2011, 2013 kinumpirma ng AMLC

4
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Anti-Money Laundering Council Secretariat Executive Director Ronel Buenaventura sa impeachment trial na mayroong dalawang bank transaction si Vice President Sara Dutert sa isang bangko.

Ayon kay Buenaventura, iniulat ito ng bangko sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) bialng covered transaction report (CTRs) alinsunod sa itinakda ng batas.

Inilahad ni Buenaventura ang mga detalye habang tinatanong ni private prosecutor Atty. Mae Divinagracia, na nagprisenta ng mga covered transaction reports o CTRs na may kinalaman kay Duterte, kabilang ang mga transaksyon bago pa siya naging bise presidente.

Ang CTR ay tumutukoy sa mga transaksyon ng isang indibidwal na lampas P500,000 na dapat iulat ng mga bangko sa AMLC.

Ayon sa tala ng AMLC, nag-ulat ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ng debit memo na P9,785,744.55 noong March 9, 2011 mula sa account na nakapangalan kay Duterte at sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa pang P9,109,644.80 na over-the-counter cash withdrawal mula sa account nina Duterte at ng ama niya ang naiulat din ng BPI noong April 8, 2013. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here