MANILA, Philippines – Kinontra ng ilang grupo ng kabataan ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026 matapos silang maghain ng panibagong petisyon sa Korte Suprema.
Pinangunahan ng mga kinatawan ng incumbent at aspiring SK officials, Kaya Natin, KASAPI Coalition, Akbayan Youth at iba pang youth organizations ang paghahain ng petition for certiorari sa pamamagitan ng online filing.
Ito na ang ikalawang petisyon sa Kataas-taasang Hukuman na kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng BSKE 2026. Nauna nang naghain ng petisyon ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal.
Dapat sanang idaos ang BSKE sa Nobyembre 2, 2026, ngunit muling ipinagpaliban matapos lagdaan ng Pangulo ang batas na nag-uutos sa postponement ng halalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden