Home ENTERTAINMENT Ibang karapat-dapat na maging Natl Artist, inihayag!

Ibang karapat-dapat na maging Natl Artist, inihayag!

5
0

Manila, Philippines – Sa pag-anunsyo ng bagong talaan ng mga National Artists, patuloy na umiinit ang usapin sa kung sino ang karapat-dapat na artista na sumunod kay Nora Aunor.

Sa kanyang kolum sa isang broadsheet, pinaksa ito ng TV host na si Butch Francisco na naglatag ng ilang mga personalidad na aniya’y equally deserving din–at kung bakit.

Una sa kanyang listahan ay si Gina Alajar.

Panimula ni Butch, “She had always been an actress, and not a star.”

Bagama’t ang masasabing pinakamalaking pelikula niya ay Dibosyada, mas tumatak ang mga socially relevant niyang pelikula tulad ng Kapit sa Patalim, Brutal, Salome, Mulanay at Sister Stella L.

Pero tanong ni Butch–may grupo bang tumutulak para maging National Artist si Gina?

Ang ikalawa sa listahan ni Butch ay si Jaclyn Jose.

Aniya, kinakitaan na ng husay si Jaclyn sa teeny-bopper film na Chikas noong 1984.

Pero napukaw niya ang mga kritiko sa sumunod niyang pelikula, ang White Slavery.

Napansin din ang aktres sa Private Show at Takaw-tukso noong 1986 at nanalo ng sunud-sunod na acting trophies.

Sinundan ito ng mga pang-award na papel sa Itanong Mo Sa Buwan, Macho Dancer, The Flor Contemplacion Story, Mulanay at Sarungbanggi.

Sa May Nagmamahal Sa lyo, napaiyak ni Jaclyn ang kanyang mga manonood sa mga eksenang ang ginawa lang niya’y mag-voice over sa narration.

Hanggang inofferan na siya sa TV, at kinalauna’y sa mga indie films.

Si Jaclyn lang naman ang unang Pilipino na nagwagi ng acting award sa prestihiyosong Cannes Film Festival.

Sa kasamaang palad, pumanaw ang aktres noong 2024. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here