Home METRO Rider, nagulungan ng water tank sa Cavite; patay

Rider, nagulungan ng water tank sa Cavite; patay

18
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 29-anyos na rider matapos umanong magulungan ng isang water tanker habang nag-overtake sa pakurbang bahagi ng Marcos Alvarez Avenue sa Barangay San Nicolas 3 Extension, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Abano, residente ng Las Piñas City at driver ng motorsiklong may plakang PS807. Idineklarang patay ang biktima sa mismong pinangyarihan ng insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:15 ng umaga nang maganap ang insidente habang binabagtas ng biktima ang nasabing kalsada.

Pagdating sa isang palikong bahagi ng daan, umano’y nag-overtake ang rider sa kanang bahagi ngunit nawalan ng balanse at dumulas sa bagong aspalto.

Pumailalim umano ang ulo ng biktima sa minamanehong water tanker na may plakang NIK 2614 hanggang sa ito ay magulungan at tuluyang masawi.

Hawak naman ng Bacoor Component City Police Station ang driver ng water tanker na kinilala sa alyas na Jimson, may-asawa at residente ng Barangay Molino VI, Bacoor City, para sa kaukulang imbestigasyon. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here