Home HOME BANNER STORY AMLC: Mga kompanyang iniuugnay sa asawa ni VP Sara, tumanggap ng P319M...

AMLC: Mga kompanyang iniuugnay sa asawa ni VP Sara, tumanggap ng P319M mula China, HK

1
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura nitong Lunes, Oktubre 5, na ang Cale88 Foods Corporation, kompanyang iniuugnay sa asawa ni Vice President Sara Duterte na si Mans Carpio, ay nakatanggap ng P319 milyon mula China at Hong Kong.

Si Buenaventura ay ipinresenta bilang witness ng House prosecution panel at tinanong ni private prosecutor Mae Divinagracia tungkol sa kabuuang halaga ng remittance mula China sa Cale88, batay sa covered transaction reports (CTR) at suspicious transaction reports (STR).

“Ang kabuuang halaga po, Your Honor, ‘yung aggregate amount…ang naka-indicate sa aming tabular summary ay P319,326,770.41 po, Your Honor. Based on our tabular summary record,” sagot ni Buenaventura.

Sa nasabing bilang, natukoy sa table na ipinresenta na P315.93 milyon ay mula sa Mainland China, habang ang P3.39 milyon ay mula sa Hong Kong Special Administrative Region of China.

Tinanong naman ni Divinagracia ang opisyal tungkol sa nature ng transaksyon.

“Ang title ng Table 5 is the CTRs and STRs pertaining to inward remittances to Cale88 Foods Corporation from a) China and b) other countries,” ani Buenaventura.

Aniya, hindi na isinama ng AMLC ang bilang para sa outflow ng remittances sangkot ang Cale 88 dahil hindi ito hiniling sa liham ng prosekusyon.

Dito naman nagtanong si Divinagracia sa witness kung ano ang basehan para sabihin ng AMLC na si Duterte at Carpio ay sadyang itinago ang tunay na pinagmulan ng transaksyon.

Tumutol si Defense counsel Mark Vinluan sa pagtatanong at sinabing “no basis.”

Iniba ng prosecutor ang tanong nito sa AMLC. Aniya, batay sa mga dokumento na sinuri, maaari ba nitong masabi kung ang mag-asawa ay may balak na itago ang tunay na source ng mga remittance.

Pinayagan naman ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero ang witness na sumagot sa kabila ng pagtutol ng depensa.

“I am unable to answer, Your Honor. I was only given the portion, and even then, it’s difficult to ascertain at this point because it’s just numbers, Your Honor… ‘Yun lang po (that’s it), unable to answer. It’s not in our records submitted,” sinabi ni Buenaventura.

Nagtanong pa rin si Divinagracia sa witness kung ano ang ipinapakita ng mga transaksyon, lalo na patungkol sa money laundering.

“Your Honor, I am unable to provide a comment or answer because I am only testifying based on the records and insofar as I was confronted with the documents submitted, there was nothing that could make me conclude that one or make an opinion on that,” dagdag ni Buenaventura.

Matatandaan na inakusahan ni dating Senator Antonio Trillanes IV sina Duterte at Carpio na tumanggap ng P150 milyon at P319 milyon mula sa Chian sa kanilang magkakaibang mga kompanya.

Itinanggi naman ng kampo ni VP Sara ang alegasyon ni Trillanes at tinawag na “malicious and fabricated.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here