MANILA, Philippines – Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Northeasterly Windflow ang ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Oktubre 6.
Ayon sa PAGASA, ang Palawan, Visayas, at Mindanao ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.
Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa Northeasterly Windflow.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC