Home NATIONWIDE Hawaii exile, “biggest earthquake” sa buhay ni PBBM

Hawaii exile, “biggest earthquake” sa buhay ni PBBM

2
0

MANILA, Philippines – INILAHAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Hawaii exile noong 1986 ang itinuturing niyang “biggest earthquake” sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.

Sa season finale ng “Unshaken With Gary V” podcast, umere, araw ng Lunes, ikinuwento ng Pangulo ang isa sa pinakamahalang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa nasabing podcast, hiniling ni Filipino music icon Gary Valenciano kay Pangulong Marcos na balikan ang pangyayari o panahon ng kanyang buhay kung saan nayanig ang lahat.

Walang pag-aalinlangan na sinabi ng Pangulo na ito’y nang ang kanyang pamilya ay lumipad patungong Hawaii noong February 25, 1986, matapos hubadin ng People Power Revolution ang kapangyarihan ng kanyang ama na si dating diktador Ferdinand Marcos Sr.

“Everything completely changed. One day, you’re the son of the president, and you’re sitting in a palace and the next two days later, you’re in Hawaii. You don’t know what on earth has just happened. You’re not allowed to go back home, you cannot even get a job, you cannot even talk to people that you feel you have a need to talk to, because they isolated us,” ang sinabi ng Pangulo.

“And so it is, put it this way: the reason it’s the biggest, shall we say, part, the biggest shaken moment of my life is that none of what we did after ‘86, when we got to Hawaii, our lives did not resemble our previous life in any way whatsoever,” dagdag na wika nito.

Ikinwento pa ng Pangulo na noong siya ay 28 taong gulang pa lamang, sa Hawaii, naramdaman niya na kailangan niyang muling matuto para mabuhay.

“I must have been about 28 years old in ‘86, and suddenly that whole life has just disappeared. And now this is your life. And I said, no, I’m not sure I like this one as much as I like the old one. Well, sorry, but that’s it. And that’s why, for me, it was the biggest earthquake in my life,” ayon kay Pangulong Marcos.

“You have to go through that whole process, which is something that you do as a child, teenager, as you’re growing up. Now you have to do it all over again as an adult,” aniya pa rin.

At nang tanungin kung saan siya naka-angkla para malampasan niya ang lahat ng ito, sinabi ng Pangulo na gamit niya ang pananampalataya, kung saan ipinaalala sa kanya kung ano ang tama at mali.

“That’s a big guide. The other thing is, I suppose, remembering what it is that you, in fact, want to achieve. Because you go through that, your whole life is totally changed and upended, and you don’t know what success is anymore, and it becomes smaller and smaller. You just live through the day,” ang tinuran ng Pangulo.

Ani Pangulong Marcos, ang mga karanasan niyang ito ang nagpatibay sa kanya dahil naranasan na niya ang mahirap na panahon sa kanyang buhay.

“They also made him more sympathetic, as he came to understand that everyone reaches a point in their lives when they are shaken by circumstances,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na pinatunayan ng kanyang mga karanasan na hindi siya duwag at handang harapin ang anumang hamon na maaaring dumating sa kanya sa hinaharap.

Samantala, ang pamilya Marcos ay nanatiling naka-exile sa Hawaii bago pa namayapa ang kanyang ama na si Marcos Sr. noong Sept. 28, 1989. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here