Home METRO Kawatan, huli sa CCTV sa paaralan sa Cavite

Kawatan, huli sa CCTV sa paaralan sa Cavite

4
0

CAVITE, Philippines – Naaktuhan sa CCTV ang isang lalaki na umano’y nagnakaw ng flat-screen TV at electric fan sa Bulihan Sites and Services Project Elementary School (BSSPES) sa Silang, Cavite.

Sa CCTV footage, makikitang umakyat ang suspek sa bakod bago pumasok sa paaralan at tangayin ang mga kagamitan mula sa isang silid-aralan.

Agad na sinuri ng mga tauhan ng Municipal Extension Office-Bulihan at STMO-Bulihan ang CCTV footage upang matukoy ang dinaanan ng suspek.

Sa isinagawang koordinasyon sa Barangay Acacia, natunton ang mga kagamitang tinangay na kaagad namang nabawi at naibalik sa paaralan.

Patuloy namang pinaaalalahanan ang mga paaralan at kawani na mag-ingat upang maiwasan ang mga panibagong insidente ng pagnanakaw. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here