Home NATIONWIDE Pagtanggap ng pera mula China, isa nang “national security issue”- Alonto Adiong

Pagtanggap ng pera mula China, isa nang “national security issue”- Alonto Adiong

3
0

MANILA, Philippines – Lumampas na sa simpleng hindi pagdedeklara sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang mga isyung kinakaharap ni Vice President Sara Duterte at naging usapin na ito ng pambansang seguridad, ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Sa press briefing tinuring ni Alonto Adiong na “worrisome” ang naging kumpirmasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga transaksiyong mula sa mga account sa China patungo sa Cale88 Foods Corporation, kompanyang pag-aari ng asawa ng Bise Presidente na si Manases Carpio.

Ayon sa testimonya ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, nakatanggap ang Cale88 ng mahigit P319 milyong inward transaction mula sa mga kompanyang nakabase sa China.

Sa pahayag ni Senator-judge Risa Hontiveros, sinabi nito na na may kaugnayan ang mga ito sa mga state-owned corporation at sa Chinese Communist Party.

“Kung si Atty. Mans Carpio owned 47 percent of the stocks of Cale88, which actually had an activity, getting P700 million plus from inward remittances from any other country, especially China, na adversarial naman alam natin ang interest nila, eh mukhang hindi lang ho pagda-divest dapat ang isa sa mga issue ngayon,” paliwanag ni Alonto Adiong.

“May issue na ngayon ay pagtataksil na sa ating bansa because ni-negosyo mo ang kapakanan ng ating bansa, nag-elevate na nga ‘to, hindi lang sa issue ng impeachment and non-disclosure of the SALN, in fact, kanina nakakita lang ako ng bagong position ng NICA (National Intelligence Coordinating Agency). This warrants an issue of national security,” pahayag ni Alonto Adiong.

Nang tanungin kung nagdagdag ng bigat sa kaso ng prosekusyon ang mga pangyayari, sinabi ni Alonto Adiong na maaari itong magresulta sa panibagong paglabag sa 1987 Constitution.

“Actually hindi lang heavier, hindi lang ‘yong non-disclosures sa SALN , what is so worrisome about this is there are portions of those inflow, cash na inward remittances, coming from different countries. Eh klaro naman po that the vice president and her husband, when it comes to assets, absolute community, ibig sabihin joint accounts sila dito, joint property sila dito,” dagdag pa nito.

“Apart from divestment na sinasabi ng Constitution na dapat walang business interest ang elected official, presidente, vice president, sinasabi rin po sa Constitution,  Article IX, Section 8, Paragraph b na hindi dapat ang elected na opisyal, empleyado ng gobyerno ay tumanggap ng any other emoluments or compensation, directly or indirectly, sa isang foreign country,” giit pa ng mambabatas na tumatayong Spokesperson ng House prosecution team.

Una nang sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nakatanggap ang Cale88 ng mahigit P319 milyong pondo mula sa mga kompanyang nakabase sa China at maging sa mismong gobyerno ng China.

At sa impeachment trial nitong Lunes, inilabas ni AMLC Secretariat Executive Director Ronel Buenaventura ang mga ulat na nagpapakitang nakatala ang AMLC ng P319,326,770.41 na inward transaction mula sa mainland China o Hong Kong patungo sa Cale88, na nagkumpirma sa pahayag ni Trillanes.

Nakakuha naman ang mga abogado ni Duterte ng kumpirmasyon mula sa AMLC na walang dokumentong nagpapakita ng pagkakasangkot ng gobyerno ng China sa mga kompanyang nagpadala ng pondo sa Cale88. Gayunman, iginiit ni Hontiveros na hindi bababa sa dalawa sa mga kompanyang nagpadala ng pera ay may kaugnayan sa gobyerno ng China.

Sinabi ni Hontiveros na sinuri ng kanyang tanggapan ang background ng dalawa sa mga kompanyang nakipagtransaksiyon sa Cale88, ang China National Township Enterprises at ang Beijing Jianweifang Food Company at batay sa ginawang pananaliksik ng kanyang tanggapan,  dating direktang nasa ilalim ng Ministry of Agriculture ng China ang China National Township Enterprises bilang isang state-owned agricultural enterprise.

Ang Beijing Jianweifang Food Company naman ay pag-aari  ng Xinjiang Fruit Industry Group, na isa ring Chinese state-owned enterprise.

May bahagi ng  Chinese Communist Party sa corporate structure ng Xinjiang Fruit Industry Group, habang ang chairperson ng Beijing Jianweifang Food Company ay miyembro ng Chinese People’s Political Consultative Conference (CPPCC). Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here