Home LIFESTYLE HEALTH Lungsod sa Bukidnon, nagkapagtala ng 24 bagong kaso ng HIV

Lungsod sa Bukidnon, nagkapagtala ng 24 bagong kaso ng HIV

4
0

BUKIDNON, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Valencia City, Bukidnon, matapos makapagtala ng 24 bagong kumpirmadong kaso mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ayon kay Dr. Juniver Flores, head ng infectious disease unit ng Valencia City Health Office, mas bumabata ang mga taong nadidiskubreng may HIV.

Kabilang sa mga nakikitang dahilan ang behavioral risks, paggamit ng droga at alak, access sa digital media at curiosity ng mga kabataan.

Batay sa summary report mula 2017 hanggang 2025, nasa 141 ang kumpirmadong HIV cases sa mga edad 15 hanggang 45 pataas. Kabilang dito ang 131 lalaki at 10 babae, na karamihan ay naiulat na naipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa pagitan ng mga lalaki at mga bisexual na indibidwal.

Nilinaw ni Flores na ilan sa mga naitalang pasyente ay hindi residente ng Valencia City at gumamit lamang ng mga lokal na laboratoryo at checkup services. Gayunman, mayroon ding bagong diagnosed na residente ng lungsod.

May treatment and support facility ang Valencia City Health Office para sa mga taong may HIV. Sa kasalukuyan, 50 pasyente ang naka-enroll sa treatment at care program, habang 25 naman ang tumatanggap ng pre-exposure prophylaxis (PrEP).

Regular ding tumatanggap ang mga pasyente ng buwanang antiretroviral drug refills. May access din sa laboratory services sa pamamagitan ng accreditation ng Department of Health (DOH), na palalawakin sa Bukidnon Provincial Medical Centers sa Maramag at Malaybalay City.

Maaari na ring makatanggap ng libreng HIV testing ang mga menor de edad na 15 anyos pataas, alinsunod sa Republic Act 11166 o Philippine HIV and AIDS Policy Act. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here