Home LIFESTYLE HEALTH DOH-Ilocos, nagbabala sa heat-related illness dahil sa El Niño

DOH-Ilocos, nagbabala sa heat-related illness dahil sa El Niño

3
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Nagbabala ang Department of Health–Ilocos Center for Health Development (DOH-Ilocos CHD) sa mga residente ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte laban sa mga sakit na dulot ng matinding init.

Ayon sa DOH, maaaring maging seryoso at banta sa buhay ang heat exhaustion at heat stroke kung hindi agad matutukoy at magagamot.

Patuloy na nararanasan sa bansa ang epekto ng El Niño na maaaring magdulot ng mas mainit at tuyong panahon sa mga apektadong lugar. Dahil dito, tumataas ang panganib ng dehydration, heat exhaustion at heat stroke, lalo na sa mga mas vulnerable sa matinding init.

Pinayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig, iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw, magsuot ng magaan at maluwag na damit at bawasan ang mabibigat na gawain sa labas kapag pinakamainit ang panahon.

Hinikayat ding mag-ingat ang mga bata, matatanda, outdoor workers at mga taong may kondisyon na maaaring maging mas sensitibo sa matinding init.

Nanawagan ang DOH-Ilocos CHD sa publiko na maging alerto sa mga sintomas ng heat-related illnesses at sumunod sa mga health at weather advisory upang maiwasan ang malubhang komplikasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here