Home METRO 33-anyos utas sa pananaksak sa Cebu

33-anyos utas sa pananaksak sa Cebu

3
0

CEBU, Philippines – Patay ang isang 33-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawang iba pa matapos ang stabbing incident sa Sitio Amuguis, Barangay Sta. Rita, nitong Lunes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival ang biktima matapos subukang bigyan ng paunang lunas ng mga first responder.

Sugatan naman ang dalawang lalaki na edad 60 at 40. Agad silang binigyan ng medical assistance at dinala sa isang health facility para sa karagdagang lunas.

Ayon kay Dennis Escosora, hepe ng City Disaster Risk Reduction and Management Department, naganap ang pananaksak habang nag-iinuman ang mga sangkot.

Sinimulan na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang pagproseso sa pinangyarihan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at mga responsable sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here