Home HOME BANNER STORY NBI, nakipag-ugnayan sa BI, DFA sa pag-aresto kay Leviste

NBI, nakipag-ugnayan sa BI, DFA sa pag-aresto kay Leviste

3
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakatanggap ito ng kopya ng arrest warrant laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, nasa abroad umano si Leviste at makikipag-ugnayan ang ahensya sa iba pang tanggapan para sa posibleng hakbang laban sa mambabatas.

Makikipag-coordinate ang NBI sa Bureau of Immigration (BI) upang beripikahin ang immigration status at kinaroroonan ni Leviste. Makikipag-ugnayan din ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng posibleng mga hakbang sa kanyang passport.

Ayon kay Matibag, maaari ring hilingin sa House of Representatives na kanselahin ang travel authority ni Leviste. Wala pa umanong impormasyon kung kailan siya babalik sa Pilipinas.

Inilabas ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235 noong Oktubre 5 ang arrest warrant laban kay Leviste kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 25 ng Commonwealth Act No. 146, na inamyendahan ng Republic Act No. 11659 o Public Service Act. Itinakda ang piyansa sa P72,000.

Kaugnay ang kaso sa reklamo ng Department of Energy (DOE) laban kay Leviste at limang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC) noong Mayo.

Ayon sa reklamo, nabigo umano ang SPBC na magtayo at magbigay ng kuryente sa mga customer sa remote, unserved at underserved areas, gaya ng nakasaad sa 25-year franchise na ipinagkaloob sa kumpanya noong 2019 sa ilalim ng Republic Act No. 11357.

Si Leviste, na chairman, president, chief executive officer at director ng SPBC, ay itinanggi noon ang mga alegasyon.

“The only complaint I’ve seen is from the media, and based on that, I can say: super duper hina,” ani Leviste. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here