LA UNION, Philippines – Shoot sa kulungan ang isang 40-anyos na security guard matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Naguilian ng lalawigang ito nitong umaga ng Martes, Oktubre 6.
Ayon sa Naguillian MPS, ang suspek ay residente ng naturang bayan.
Bandang alas-7:40 ng umaga nang ikasa ang buy-bust operation na tumagal hanggang alas-9:45 ng umaga.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng Naguilian MPS (lead unit), La Union Provincial Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit-Police Intelligence Team sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA RO1.
Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng limang (5) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tumitimbang ng 0.42 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P2,856.00 ang mga narekober na hinihinalang shabu.
Bukod sa hinihinalang shabu ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng mga itinuturing nilang non-drug evidence.
Ginawa ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar kung saan nangyari ang buy-bust operation, sa presensiya ng suspek at mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso