Home NATIONWIDE Legarda, humirit ng panibagong extension sa medical leave

Legarda, humirit ng panibagong extension sa medical leave

3
0

MANILA, Philippines – Humihiling ng panibagong extension sa medical leave si Sen. Loren Legarda, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules.

Ayon kay Gatchalian, nagpapatingin at nagpapahinga si Legarda matapos niyang sabihin bago mag-file ng medical leave na mayroon siyang seryosong medical condition na nangangailangan ng gamutan.

Naka-medical leave si Legarda mula Agosto 3 at huling nakita sa Senado noong Hulyo 29 sa plenary session.

Nauna nang sinabi ng kanyang spokesperson na si Atty. Tony La Viña na nagpapagamot si Legarda sa France para sa kondisyon sa baga at autoimmune condition. Kailangan din umano niyang magpahinga dahil lumalala ang kanyang kondisyon kapag nakararanas ng stress o tensyon.

Sinabi ni Gatchalian na maaari pa ring bumoto si Legarda sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung makababalik siya sa Senado at present sa oras ng botohan.

Ayon sa Senate President, nilinaw na rin ng mga senador ang mga panuntunan kung sinu-sino ang maaaring bumoto sa impeachment proceedings.

Sa ilalim ng napagkasunduang rules ng Senado, hindi kabilang sa mga maaaring bumoto sa final judgment ang mga senador na hindi lumahok sa paglilitis o hindi nakinig sa testimonya ng mga saksi. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here