Home HOME BANNER STORY Malakanyang, nagdeklara ng special non-working days sa 10 lugar ngayong Oktubre 

Malakanyang, nagdeklara ng special non-working days sa 10 lugar ngayong Oktubre 

3
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special non-working days sa 10 lugar ngayong Oktubre.

Layon into na payagan ang  mga residente na magpartisipa sa lokal na pagdiriwang at makasaysayang paggunita.

Ang mga sumusunod na petsa na idineklarang special non-working days sa ilang lokalidad:

* Oct. 12 sa Talisay, Batangas, para gunitain ang Battle of Batangas

* Oct. 7  Malita, Davao Occidental, para sa Kapistahan ng bayan

* Oct. 9 sa San Isidro, Surigao del Norte, para sa 67th founding anniversary ng munisipalidad

* Oct. 16 sa Lapuyan, Zamboanga del Sur, para sa 69th founding anniversary nito

* Oct. 20 sa Batac, Ilocos Norte, para sa 160th birth anniversary ng Gen. Artemio Ricarte

* Oct. 21 sa Sibutu, Tawi-Tawi, para sa founding anniversary nito

* Oct. 23 sa Angeles City, para sa Tigtigan Terakan Keng Dalan Festival

* Oct. 23 sa Narvacan, Ilocos Sur, para sa Aldaw Ti Wayawaya-lli A Narvacan

* Oct. 28 sa Dingle, Iloilo, para sa Cry of Lincud, kung saan ang Proclamation No. 1474 inilarawan bilang “first declaration of revolution against Spain” sa  Iloilo province at Panay

* Oct. 29 sa Mati City, Davao Oriental, para sa  Sambuokan Festival

Ang mga nasabing proklamasyon na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto sa pahintulot ni Pangulong Marcos, ay nagpahayag na ang deklarasyon ay magbibigay ng oportunidad sa mga residente na magpartisipa sa kani- kanilang pagdiriwang at commemorative activities. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here