Home HOME BANNER STORY Higit 20 barko ng China namataan sa katubigan ng Palawan – PCG

Higit 20 barko ng China namataan sa katubigan ng Palawan – PCG

3
0

MANILA, Philippines – Mahigit 20 Chinese vessel ang namataan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Pag-asa Island, Palawan nitong Miyerkules, Oktubre 7.

Naglalayag ang mga barko na mula sa Chinese Maritime Militia at Chinese Coast Guard sa katubigan ng isla.

Hotspot ang Pag-asa Island ng mga barko ng China kasama ang Escoda Shoal at Bajo de Masinloc.

Noong nakaraang linggo, hinarang ng mga barko ng Chinese Coast Guard ang mga opisyal ng Pilipinas na reresponde sana sa isang Chinese fishing vessel na nagsasagawa ng iligal na dynamite fishing sa Sandy Cay malapit sa Pag-asa Island.

Samantala, pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang pag-activate ng Coast Guard Auxiliary District sa Kalayaan Island District nitong Miyerkules.

Ayon kay Gavan, may mahalagang papel ang mga sibilyan sa pagbabantay sa soberanya ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here