Home HOME BANNER STORY Remulla kay Respicio sa negative drug test results: Congratulations

Remulla kay Respicio sa negative drug test results: Congratulations

4
0

MANILA, Philippines – Binati ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio, sa negatibong resulta ng drug test.

Mismong si Respicio ang sumailalim sa illegal drug test matapos sabihin ni Remulla na nais niyang sumailalim sa drug test ang vice mayor matapos itong masangkot sa sigawan kasama ang mga opisyal ng barangay sa Reina Mercedes sa isang sesyon.

“Congratulations,” ani Remulla.

“Now that it’s confirmed that he’s not on shabu, totoo na talaga na natural ang sayad ng utak niya,” dagdag pa niya.

Ani Remulla, ipauubaya na lamang niya sa mga opisyal ng probinsya ang desisyon para kay Respicio.

“But [Governor Rodolfo Albano is] handling him. I advise him to give him a drug test kasi mukhang adik yung asal niya eh,” anang opisyal.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Remulla sa asal ni Respicio.

“Meron bang normal na vice mayor na ganun? Parang wala sa sarili eh. Di ba? Parang hindi halal.”

Pinag-aaralan na ng DILG ang posibleng paglalabas ng show-cause order laban kay Respicio para ipaliwanag ang mga aksyon nito.

Posibleng sangkot aniya sa insidente ang umano’y abuse against a person in authority matapos paulit-ulit na sigawan ni Respicio ang isang pulis.

Samantala, kasunod ng paglalabas ng negatibong drug test result, nanawagan naman si Respicio kay Remulla na i-refund ang nagastos nito para sa testing.

“Jonvic, i-refund mo ko. Ang mahal ng drug test,” sinabi ni Respicio. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here