Home NATIONWIDE Leviste babalik sa Pilipinas para personal na magpiyansa – spox

Leviste babalik sa Pilipinas para personal na magpiyansa – spox

3
0

MANILA, Philippines – Layon ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na bumalik sa Pilipinas at personal na humarap sa korte para magpiyansa kasunod ng arrest warrant laban sa kanyam, ayon sa tagapagsalita nito, araw ng Huwebes, Oktubre 8.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Atty. Tony La Viña, na personal na haharapin ni Leviste ang kaso at magpipiyansa.

“Oo. In general ang sagot ko, sa kaso kasi medyo subjudice na kasi ‘yan. Pero ang masasabi ko lang ay actually napakaliit ng kaso na ito. Tulad ng sinabi niya, this is a very small case,” aniya.

“Almost insignificant. Bailable by 72,000 bail, very small penalty at lahat. So, in the scheme of things hindi naman ito ganun ka-importante from his point of view. Kaya naglabas nga siya ng statement na not to worry about him hindi naman siya abala dito hindi siya worried about this case,” dagdag pa.

Si Leviste ay nasa France kasama ang ina na si Senador Loren Legarda na naka-medical leave mula Agosto.

Ayon kay La Vina, plano ni Leviste na umuwi ng Pilipinas.

“Of course. I mean, eventually, uuwi naman yan siya kasama ng nanay niya,” sinabi pa niya.

“Right now lang talaga, kailangan siya ng nanay niya for the medical treatment of her mother. So, as far as I know, once tapos na yun. Uwi na siya. He is the only family of the mother,” dagdag ng tagapagsalita nito.

Sinabi ni La Viña na hahamunin ni Leviste ang anumang pagtatangka na kanselahin ang kanyang pasaporte.

Nang tanungin naman sa posibilidad ng INTERPOL red notice, sinabi nito na hindi nila inaasahan na gagawin ito para sa kaso ni Leviste.

“From what I know, hindi siya applicable kasi that applies only to very serious crimes,” sinabi ni La Viña.

Iginiit naman ni La Viña na ang kaso laban kay Leviste ay bahagi ng umano’y harassment o persecution laban sa mambabatas.

Ito ay kaugnay umano ng laban ni Leviste sa korapsyon sa flood-control projects.

Dinipensahan din ng abogado ang renewable energy business ni Leviste at sinabing wala itong ginagawang masama sa kanyang solar franchise at service contracts. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here