Manila, Philippines – Hindi napigilang mag-react ng salon owner at movie producer na si Bambbi Fuentes matapos dumanas ng pamba-bash si Gelli de Belen.
Ito’y dahil sa opinyon ng aktres sa kanyang guesting sa Chika Cart para sana i-promote ang iso-showing nilang pelikula.
Gelli expressed her take on the issue involving Jennylyn Mercado and Patrick Garcia–dahilan para hindi ‘yon magustuhan ni Dennis Trillo.
Awang-awa tuloy si Bambbi, na nagsabing baka iba ang pagkakaintindi ng aktor.
Dumpensa si Bambbi kay Gelli sa paratang na nakikisawawsaw ito sa isyu: “Hindi ganoon si Gelli, wala namang masama sa sinabi niya.”
Gelli and Bambbi have been friends for like three decades now.
Gelli’s guesting on the GTV show was to promote the film produced by Bambbi: “Safe naman ang sagot niya. Nag-promote lang naman siya, bakit siya ginanoon?”
Nilinaw din ni Bambbi na walang kinakampihan ang aktres whose major concern ay kapakanan ng mga bata.
Pati daw kasi ang isyu noon nina Gelli at Regine Velasquez ay binuhay na naman.
Giit ni Bambbi, ang dali daw magbintang ng tao as if they knew the whole story.
Dagdag pa niya, ayaw na daw pumatol si Gelli. Ronnie Carrasco III