MANILA, Philippines – Ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na umabot sa 8.5 milyon ang gumagamit ng pekeng PWD Identification cards sa Pilipinas.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, anim na milyon ang may discrepancy o pekeng dokumento.
Ayon kay Chief State Counsel Dennis Alvin Chan, malayo ito sa opisyal na bilang ng lehitimong PWD na nasa 2.8 milyon lamang ang rehistradong PWD o Person’s with Disability base sa datos ng National Council on Disability Affairs (NCDA).
Binigyang-diin ni Vida na marami ang nakakakuha ng diskwento sa mga restaurant, fastfood, transportasyon, botika at iba pa dahil sa paggamit nila ng pekeng PWD.
Dahil dito, malaking halaga ang nawawala sa ekonomiya at pangkalahatang kita ng pamahalaan.
Panawagan naman ni Vida sa publiko, tigilan na ang pagtangkilik at paggamit ng pekeng mga ID.
Nanawagan din si Vida sa mga LGUs na makipagtulungan upang matigil na ang paggamit ng mga pekeng PWD IDs. Jocelyn Tabangcura-Domenden