Home NATIONWIDE 6 informant ng mga tulak, shabu lab ginawaran ng kabuuang P5M

6 informant ng mga tulak, shabu lab ginawaran ng kabuuang P5M

2
0

MANILA, Philippines – Ipinagkaloob na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kabuuang P5 milyong halaga sa anim na informant na nagbigay ng impormasyon para sa ikasasamsam ng mga iligal na droga.

Ang mga informant na ito ay nagbigay ng impormasyon sa mga kinaroroonan ng mga malalaking bulto ng iligal na droga, mga shabu laboratory, drug den, taniman ng marijuana, at pag-aresto sa mga high-value drug personalities.

Ipinagkaloob ang naturang halaga sa Private Eye Rewards para sa ikatlong bahagi ng 2026, ngayong Huwebes, Oktubre 8.

Pinangunahan ni PDEA Director General Isagani Nerez ang seremonya kasama sina House of Representatives Committee on Dangerous Drugs Chairperson Rep. Mark Anthony Santos at iba pang opisyal ng PDEA at Dangerous Drugs Board. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here