MANILA, Philippines – Isang suspek na sangkot sa naganap na hit & run incident ang sumuko sa pulisya makaraan umanong bumangga sa isang tricycle sa kahabaan ng Antero Soriano Highway, Naic, Cavite.
Sa paunang report, naganap ang insidente nang magkabanggaan ang isang tricycle at sasakyang minamaneho umano ng suspek.
Sa halip na huminto at tingnan ang kalagayan ng mga nasa sasakyan, kaagad umanong umalis sa lugar ang driver, kung kaya naitala ang insidente na hit & run.
Hindi nagtagal ay nagpasya ang suspek na sumuko sa Naic Municipal Police Station upang harapin ang nangyaring insidente at panagutan ang responsabilidad nito. MARGIE BAUTISTA