Home METRO 51-anyos naghasik ng gulo, nahulihan pa ng baril at granada, nirehas sa...

51-anyos naghasik ng gulo, nahulihan pa ng baril at granada, nirehas sa Valenzuela

2
0

MANILA, Philippines – SWAK sa rehas ang 51-anyos na lalaki matapos arestuhin dahil sa panggugulo ay nakuhanan pa ng baril at pampasabog sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nirespondehan ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang natanggap na reklamo hinggil sa panggugulo umano ng isang lalaki sa Brgy., 28 dakong alas-7:15 ng umaga.

Pagdating sa lugar, naabutan ng mga pulis ang suspek na nagsisigaw at nang kanilang awatin ay pumalag ito at tumangging magpaawat na naging dahilan upang mapilitan silang arestuhin ito.

Nasamsam ng mga pulis sa suspek ang isang itim na sling bag na naglalaman ng isang hand grenade at isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Nang hanapan siya ng mga kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing mga armas ay walang naipakita ang suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong Article151 of the Revised Penal Code, paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act at R.A 9516. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here