MANILA, Philippines – Lumagda ang Pilipinas at Cyprus sa panibagong Memorandum of Understanding (MOU) para sa mutual recognition ng seafarers’ certificates (COCs at COPs) sa ilalim ng STCW Convention.
Nilagdaan ito nina DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro at Cyprus Foreign Minister Constantinos Kombos.
Sa ilalim ng kasunduan, maaaring maglingkod ang mga kwalipikadong seafarer sa barkong may watawat ng kabilang bansa sa pamamagitan ng Recognition Endorsements.
Kasama rin sa kasunduan ang pagtutulungan ng MARINA at Cyprus Shipping Deputy Ministry sa verification ng sertipiko at pagtiyak sa international standards.
Binigyang-diin ng Cyprus ang ambag ng mahigit 15,000 Pinoy seafarer sa Cyprus-flagged ships at suporta nito sa Manila Declaration para sa karapatan ng mga seafarer.
Pinalitan ng bagong MOU ang kasunduan noong 2001. Jocelyn Tabangcura-Domenden