Home NATIONWIDE ITCZ, Easterlies at Northeasterly Windflow makakaapekto sa bansa

ITCZ, Easterlies at Northeasterly Windflow makakaapekto sa bansa

3
0

MANILA, Philippines – Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), Northeasterly Windflow at Easterlies ang bansa ngayong Biyernes, Oktubre 9.

Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Mindanao, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.

Ang Bicol Region, Quezon, at Marinduque ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil naman sa Easterlies.

Samantala, ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeasterly Windflow.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here