Pinangunahan nina DBM Secretary Kim Robert C. de Leon at UP Manila Chancellor Dr. Michael L. Tee ang inspeksyon nitong Biyernes, Oktubre 9. Kabilang sa mga pasilidad ang Skills Laboratory ng College of Medicine na nagkakahalaga ng ₱33.8 milyon, Skills and Simulation Laboratory ng College of Nursing na nagkakahalaga ng ₱45.8 milyon, at Smart Classrooms ng College of Allied Medical Professions na nagkakahalaga ng ₱10 milyon.
