CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Inulat na nadakip ng mga awtoridad ang sampung (10) Regional Top Most Wanted Person na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng krimen sa ikinasang serye ng manhunt operation ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa Gitnang Luzon.
Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Naaresto ang mga suspek mula buwan ng Hunyo hanggang sa unang linggo ng kasalukuyang buwan ng Oktubre na nasukol at nakorner ng mga awtoridad sa Aurora, Bataan, Bulacan, Angeles City, Pampanga, Nueva, at Tarlac.
Nadakip ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte, na mga akusado sa mga kasong Murder, Rape, at Statutory Rape.
Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)