Home NATIONWIDE Apat na bills sa makabagong pabahay programs, pasado sa komite – Escudero

Apat na bills sa makabagong pabahay programs, pasado sa komite – Escudero

4
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Senado ang apat na pangunahing panukala hinggil sa pabahay na naglalayong palawakin ang access sa abot-kayang pabahay, magbigay ng tulong sa mga nakaligtas sa kalamidad, at i-update ang ilang dekada nang batas sa condominium.

Ang mga naturang panukalang batas na binuo ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na pinamumunuan ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ay pumasa sa ikatlong pagbasa sa sesyon noong Huwebes, ika-8 ng Oktubre.

Pangunahin sa serye ng mga panukalang batas na ito ay ang pagpapatibay sa ulat ng bicameral conference committee para sa Senate Bill No. 2420, na nagkasundo sa mga magkakaibang probisyon nito at ng House Bill No. 2286.

Nilalayon ng panukalang ito na gawing makabago ang Republic Act 4726 ng taong 1966 upang mas tumugon ito sa pangangailangan ng modernong pamumuhay sa lungsod.

Bago magsara ang sesyon, iprinisenta ni Escudero – may akda at nagtaguyod ng panukala – sa plenaryo ang pangunahing update sa condominium maintenance, repair, reconstruction, and redevelopment.

“The bicam also provided two options for liquidation: selling the entire condominium project or declaring liquidating dividends to shareholders. In the case of the former, the unit owner shall be entitled to an advance on their share of the sales proceeds based on the agreed valuation and payment terms to be deducted from their final payout,” paliwanag niya.

Ayon sa beteranong mambabatas, sa Metro Manila pa lamang ay mayroong higit sa 775,000 na unit ng condominium, kung saan marami rito ay luma na at kailangan nang i-redevelop. Aniya, tinitiyak ng panukalang-batas na protektado ang mga may-ari ng unit habang pinapayagan ang mga lumang gusali na magkaroon ng bagong buhay.

Kasabay ng ratipikasyon ang pag-aruba ng Senado sa ikatlong pagbasa ang tatlo pang panukalang batas sa ilalim ng komite ni Escudero. Pinasalamatan niya ang kanyang mga kasamahan para sa kanilang mabilis na pagkilos, at binigyang-diin na lima sa anim na panukalang batas ay dinala lamang sa plenaryo sa ilalim ng kanyang pag-endorso dalawang linggo na ang nakalilipas.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kasamahan sa Senado sa mabilis na pagtalakay at pagpasa ng mga panukalang ito,” sabi ni Escudero, sabay diin na ang mga hakbang ay direktang tumutugon sa mga kagyat na pangangailangan sa pabahay at pagbangon mula sa kalamidad.

“Talaga namang malaking tulong ang mga ito para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng mas maayos na tirahan at ginhawa matapos ang mga sakuna at kalamidad,” dagdag pa niya.

Kasama rito ang SB 1992, na nagpapalakas sa kakayahan ng pamahalaan na magpatupad ng socialized housing projects sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pagkuha at paggamit ng lupa, na nag-aamyenda sa Urban Development and Housing Act of 1992 (RA 7279).

Tungkol sa tulong sa pabahay, ang SB 2503 ay nagtatatag ng isang Rental Housing Subsidy Program para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at mga pamilyang mababa ang kita.

Samantala, ang SB 2507 naman ay naglalayong maging mas madali ang pagkuha ng abot-kayang rental housingsa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo sa pagpapatayo, pagkukumpuni, at pamamahala ng mga aprubadong proyekto sa pabahay.

Ang ikaapat na panukala, ang SB 2508, ay nagpapalaya sa mga nakaligtas sa kalamidad (calamity survivors) mula sa pasanin sa pananalapi sa pamamagitan ng pagbura sa kanilang mga natitirang obligasyon sa pabahay—kabilang ang principal, amortization, interest, at mga multa —na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P9.5 bilyon. Ipinapwera rin nito ang mga iginawad na yunit ng pabahay sa ilalim ng mga programa para sa kalamidad mula sa estate tax.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here