Home NATIONWIDE Bank secrecy, dahilan kung bakit hindi natukoy ng mga bank witnesses ang...

Bank secrecy, dahilan kung bakit hindi natukoy ng mga bank witnesses ang suspicious transactions ni VP Sara – Alonto Adiong

3
0

MANILA, Philippines – Hindi direktang natukoy ng mga bank witness sa impeachment court kung aling mga transaksiyon nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio ang na-flag bilang suspicious dahil sa bank secrecy at mga patakaran ng anti-money laundering, ayon sa House prosecution.

Ito ang paliwanag ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong matapos tanungin kung bakit tanging balanse, deposito at withdrawal lang ang tinestiguhan ng mga bank witness at hindi ang mga partikular na suspicious transaction.

“I think I remember there was one point where one senator judge was actually questioning this kasi may bank secrecy law. So ibig sabihin it’s the bank reporting these transactions doon sa AMLA, and not the bank reporting it to the impeachment court,” ani Alonto Adiong.

Nagsusumite ang mga bangko at iba pang covered institution ng suspicious transaction report sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), at may mga restriksiyon sa batas sa paglalantad ng mga ulat na ito at ng nilalaman nila.

“But as to the bank directing, explaining the transactions direct to the court, yun yung issue ng bank secrecy because they cannot make the determination sa sabihing nila we flagged this or these accounts na flagged the Suspicious Transaction Report(STR) when in fact what they are required to do is to report to AMLA,” giit ni Alonto Adiong.

“Kaya naipapakita lamang ng mga bank witness ang takbo ng pera nang hindi tinutukoy kung ano ang kalikasan ng mga transaksiyon sa harap ng mga senator-judge” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni prosecution counsel at legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na limitado rin ang kaalaman ng mga empleyado ng bangko sa layunin ng account holder sa isang withdrawal o deposito.

“For example yung mga para saan, they really can’t answer that. They’ve stated naman kasi yung purpose, they wouldn’t know bakit  winidraw. They can just say that these transactions happened. Pero yung purposes, they won’t be able to get into that,” paliwanag ni Tolosa.

Ginagamit ng prosekusyon ang mga bank record at ulat ng AMLC bilang magkahiwalay pero magkaugnay na ebidensiya sa Article II, na nag-aakusa sa Bise Presidente ng pag-iipon ng unexplained wealth at paulit-ulit na hindi pagdeklara nang totoo ng kanyang mga ari-arian sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here