Home METRO 8 arestado sa pekeng slimming coffee sa Bulacan

8 arestado sa pekeng slimming coffee sa Bulacan

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang walong indibidwal, kabilang ang isang Chinese national at pitong Pilipino, matapos makumpiska ang tinatayang P6.1 milyong halaga ng umano’y pekeng slimming coffee sa isang warehouse sa Barangay Parulan, Plaridel, Bulacan noong Oktubre 6.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 bandang alas-2:30 ng hapon sa bisa ng search warrant, katuwang ang kinatawan ng may-ari ng trademark at sa koordinasyon ng Bulacan Police Provincial Office.

Nasamsam sa pagsalakay ang mga natapos na produkto ng umano’y pekeng slimming coffee, mga hilaw na materyales, packaging materials, at mga kagamitan sa produksyon at pagmamanupaktura na tinatayang nagkakahalaga ng P6,100,000.

Ang mga naaresto ay binubuo ng isang lalaking Chinese national, limang Pilipino at dalawang Pilipina na pawang mga empleyado ng pasilidad.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. Nasa kustodiya sila ng CIDG habang inihahanda ang kaukulang mga kaso. Dick Mirasol III/Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here