Home METRO Lalaki, natagpuang patay sa Dolomite Beach sa Maynila

Lalaki, natagpuang patay sa Dolomite Beach sa Maynila

1
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 40-anyos na lalaki sa mabatong bahagi ng dalampasigan ng Dolomite Beach sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang biktima sa pangalang “IanKarl,” na huling nanirahan sa Surigao del Sur.

Natagpuan ang bangkay na nakadapa bandang alas-6:10 ng umaga ng isang security guard na nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya sa lugar. Agad na iniulat ng guwardiya ang insidente sa mga opisyal ng barangay, na nagbigay-alam naman sa pulisya.

Sa paunang pagsusuri, walang nakitang halatang pinsala sa katawan ng biktima, na nasa advanced state of decomposition na.

Hinihinalang inanod ng malalakas na alon ang biktima patungo sa baybayin ng Manila Bay hanggang sumabit sa mabatong bahagi ng dalampasigan.

Dinala ang mga labi sa isang punerarya para sa autopsy at pansamantalang pag-iingat habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Hinihintay pa ang resulta ng postmortem examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here