CAVITE, Philippines – Himalaang nakaligtas ang isang Grab rider matapos pumailalim ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang 10-wheeler truck sa Binakayan, Kawit, Cavite.
Batay sa nakalap na impormasyon, naganap ang aksidente habang papasok sa Covelandia ang naturang truck nang masangkot dito ang motorsiklo ng rider.
Sa kabila ng panganib, nakaligtas ang Grab driver. Gayunman, wala pang malinaw na detalye kung paano nangyari ang insidente at kung may iba pang nasugatan o napinsala.
Muling pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at panatilihin ang tamang distansiya mula sa malalaking sasakyan upang maiwasan ang mga aksidente. MARGIE BAUTISTA