Home HOME BANNER STORY DBM kumpiyansang maipapasa 2027 budget sa takdang panahon

DBM kumpiyansang maipapasa 2027 budget sa takdang panahon

5
0

PASAY CITY, Philippines – Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso upang matiyak ang pagpasa ng panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027 at maiwasan ang paggamit ng reenacted budget o panukalang badyet ng nakaraang taon, ayon kay DBM acting Secretary Kim De Leon nitong Biyernes.

Ayon kay De Leon, wala pa silang nakikitang senyales na hindi maipapasa ang 2027 budget.

“We’re working closely with Congress para tuloy-tuloy tayo… Wala pa naman tayong nakikitang ganyan ngayon (reenacted budget),” aniya sa 2026 FINEX Conference sa Pasay City.

Naipasa na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukalang budget, ngunit may ilang mambabatas na kumuwestiyon sa mga pagbabagong ginawa rito.

Samantala, sinabi ng Senado, sa pangunguna ni Senate President Sherwin Gatchalian, na target nitong maipasa ang 2027 national budget bago matapos ang taon, sa kabila ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay De Leon, may ilang pagbabago sa panukalang budget kumpara noong nakaraang taon. Nananatili sa P112 bilyon ang unprogrammed appropriations, ngunit ito na ang pinakamababang nominal na halaga mula noong 2019.

“If we look at it as a portion or as a percentage of the total budget, it is the lowest since 1991, so we’re starting really to discipline how we do budgeting. And when I talk about discipline, we even look at those items we don’t usually look at,” dagdag niya.

Sinabi rin ni De Leon na sinikap ng DBM na mapanatili sa loob ng inaasahang kita ng pamahalaan ang mga gastusin sa operasyon, hindi tulad noong mga nakaraang taon kung kailan lumalampas sa kita ang gastos sa mga tauhan at iba pang pangangailangan.

“You can just imagine, just our regular expenditures, we still need to borrow to sustain them. But for 2027, we tried to fix that a bit. So our current operating expenses for 2027 are within our revenue program, part of our disciplining the budget,” aniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here