Home NATIONWIDE 28,415 barangay sa 60 probinsya, idineklarang ligtas sa insurhensiya – NTF-ELCAC

28,415 barangay sa 60 probinsya, idineklarang ligtas sa insurhensiya – NTF-ELCAC

3
0

MANILA, Philippines – Isa sa mga dahilan ng paghina ng impluwensiya ng mga armadong rebelde sa mga kanayunan ang patuloy na pagpapatupad ng mga programa sa pagpapaunlad ng pamahalaan sa mga komunidad na dating apektado ng armadong tunggalian, ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

Sa pahayag nito nitong Biyernes, iniulat ng task force na nasa 28,415 barangay sa 60 probinsya sa bansa ang idineklara nang nasa ilalim ng Stable Internal Peace and Security (SIPS).

“For NTF-Elcac, the 28,415 SIPS barangays across 60 provinces represent a stark measure of how much ground the CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front) armed insurgency has lost,” ayon sa task force.

Sa kabuuan, 21,614 barangay ang kabilang na sa siyam na buong rehiyong nasa ilalim ng SIPS, habang ang natitirang 6,801 ay nasa mga probinsiyang nagpapatupad nito at nagsisikap na makamit ang kaparehong layunin.

Ayon sa NTF-Elcac, ang susunod na hamon ay tiyaking mananatili sa mga komunidad ang kapayapaan, kaunlaran at demokratikong pamamahala.

Sinabi ni NTF-Elcac Deputy Director for Operations Rodrigo Lutao na hindi maihihiwalay ang paglawak ng mga lugar na nasa ilalim ng SIPS sa mga programa ng pamahalaan para sa mga komunidad na dating apektado ng armadong tunggalian.

As of September 29, umabot na sa 5,638 dating conflict-affected barangay ang saklaw ng Barangay Development Program (BDP), na sinuportahan ng P44.90 bilyong pamumuhunan para sa kaunlaran at inaasahang nakinabang ang 16.03 milyong Pilipino.

Kabilang sa mga proyektong naipatupad ang 955 silid-aralan, 1,587.02 kilometro ng farm-to-market roads, 23,681 streetlight, 1,169 sistema ng tubig at sanitasyon, 9,264 proyektong elektripikasyon, at 547 health at medical station.

Ngayong taon, naglaan din ang pamahalaan ng P8.08 bilyon para sa mga proyekto sa 808 barangay na nalinis na sa impluwensiya ng mga rebelde. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga kalsada, paaralan, sistema ng tubig, health station at mga pasilidad para sa elektripikasyon.

“The SIPS and BDP figures therefore tell two interconnected stories: the shrinking space for armed insurgency and the expanding presence of government and development. As armed influence recedes, the government is seeking to consolidate peace by bringing roads, electricity, potable water, education, health services, livelihoods and economic opportunities into communities previously vulnerable to conflict,” dagdag ni Lutao. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here